-- Advertisements --
Patay ang mag-ina matapos na hindi agad nakalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Talipapa sa Quezon City nitong nakalipas na Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Julieta Bualon, 70, at anak nitong si Marissa Leaño, 39.
Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, nakarinig sila ng pagsigaw na humihingi ng tulong subalit hindi na nila ito naagapan dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) nagmula ang sunog sa natumbang kandila.
Umabot naman sa 30-minuto bago tuluyang naapula ang nasabing sunog.