-- Advertisements --
Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog na ikinamatay ng mag-ina sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa mga nakasaksi sa trahedya, nakita raw nila ang mag-ina na sinusubukang makalabas sa nasusunog na bahay sa pamamagitan ng kanilang bintana.
Una rito, nakarinig daw ng malakas na pagsabog sa bahay ng mga biktima ang kanilang mga kapitbahay.
Ang mga biktima kabilang ang sinasabing anim na taong gulang lamang na bata ay nangungupahan lamang umano sa naturang bahay.
Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunong bago naapula ng BFP.