-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang ina at ang kanyang anak na lalaki na taga-Brgy Lacasa, sa bayan ng Hinatuan, lalawigan ng Surigao del Sur, matapos tamaan ng kidlat nang papauwi na sana matapos manguha ng kabibi kahapon ng hapon kasama ang iilan sa kanilang mga kapitbahay.

Nakilala ang mga biktimang sina Mary Grace Limbanganon, 40-anyos at ang 5-anyos na anak nitong si Sebastian.

Base sa inisyal na imbestigasyon, papauwi na sana mula sa baybayin ang dalawa pasado alas-kwatro ng hapon dahil biglang sumama ang panahon kungsaan kinarga pa ng ina ang kanyang anak nang matamaan sila ng kidlat.