-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang siyam na araw na sanggol at ina nya nang mabagsakan ng puno ng niyog sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga biktima na sina Lyn Lamigo at ang kanyang sanggol,mga residente ng Purok Isemti Barangay Romualdez President Quirino Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM-President Quirino) na kasabay ng malakas na hangin ay nabuwal ang isang puno ng niyog at tumama sa tahanan ng mga biktima.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mag-ina at nasa ligtas ng kalagayan.

Nagpaalala ngayon ang MDRRM-President Quirino Sultan Kudarat na mag-ingat tuwing umuulan at malakas na hangin lalo na ngayong tag-ulan sa mga nabubuwal na mga punong kahoy.