-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril ng sariling anak sa ina at kapatid nito sa bayan ng Lake Sebu , South Cotabato.

Kinilala ang mga sugatan na sina Josephina Sangco Samulde, 76, at anak nitong si Erna Samulde Eucare, 49, kapwa residente ng Barangay Bacdulong, Lake Sebu South Cotabato.

Lumabas sa imbestigasyon ng Lake Sebu PNP na nagkaroon ng heated argument sa pagitan ng suspek na si Arnel Samulde at kapatid nitong si Erna at sa sobrang galit ay kumuha ito ng baril upang barilin ang saring kapatid.

Ngunit, siya naman umanong pagdating ng kanilang ina na may kausap na bisita kaya’t pinigilan ang anak at pumagitna sa magkapatid na nag-aaway.

Sa halip na makinig sa ina ay nagpaputok si Arnel kaya’t tinamaan ang ina nito.

Agad naman na kumuha ng kahoy ang kanyang kapatid at hinampas si Arnel kaya’t di na nakapagpaputok ulit.

Dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima at nasa ligtas na kalagayan na.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at hinihintay ng pulisya ang desisyon ng sariling ina nito at kapatid sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.