Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na pinayagan nang makapasok ang common-law wife at anak ni FPRRD na si Honeylet Avanceña at Veronica “Kitty” Duterte para bisitahin ang dating pangulo sa loob ng ICC detention facility.
Si Duterte ay kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands matapos na arestuhin sa Pilipinas sa bisa ng arrest warrant ng ICC sa kasong crime against humanity na may kinalaman sa madugong war on drug ng kanyang administrasyon.
Ayon kay VP Sara, tumagal ang pagbisita ni Honeylet Avanceña at Veronica “Kitty” Duterte ng tatlong oras kasabay ng ika-80 kaarawan ng dating pangulo.
Aniya , hinayaan nilang magpalipas ng oras ang mag-ina kasama si FPRRD dahil limitado lamang ang kanilang pananatili sa The Hague.
Si Kitty Duterte ay anak ng dating pangulo sa kanyang common-law wife na si Honeylet habang si VP Sara, Cong Paolo at Sebastian Duterte ay anak ng dating pangulo sa kanyang dating asawa na si Elizabeth Zimmerman.
Matapos ang pagbisita, nakipag kita ang dalawa sa mga taga suporta ng dating pangulo.