-- Advertisements --
Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang mag-inang Singaporean na galing Qatar.
Nakuha sa mag-ina ang aabot sa 14, 360 na gramo ng white powdered substance ng pinaghihinalaang cocaine.
Ito ay mayroong street value na pumapalo sa P76,108,000.00.
Kinilala ang dalawang suspect na si SITI AISHAH BINTE AWANG, 63 anyos at ang kanyang anak na si NUR ALAVIYAH BINTI HANAFFE , 39 anyos.
Ang dalawa ay dumating sa bansa sakay ng isang flight galing sa Doha , Quatar.
Nakatakda namang ideport ang mag-ina pabalik ng kanilang bansa.