Todo ngayon ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga kababayang nagnanais na makapag-abroad gamit ang mga social media o internet.
Ginawa ng DFA ang babala matapos na panibago na namang grupo ng mga Pinay ang na-rescue mula sa sex trafficking syndicate.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano dapat na busisiing mabuti ang mga job opportunites sa abroad na inaalok sa online dahil baka sa huli ay biktima na pala sila ng sex trafficking.
Una rito nasa 27 mga Pinay ang naisalba mula sa mga sindikato na nag-o-operate sa Johor Bahru sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang mga biktima ay na-repatriate na ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur.
“We urge our kababayan to think twice before applying for the various job opportunities abroad that are being offered online,†ani Secretary Cayetano. “There are numerous cases of Filipino jobseekers who apply for these online job offers but end up in virtual bondage in a number of countries abroad.â€
Paalala pa ng kalihim doon sa mga naglalayon pang magtrabaho o mag-apply sa ibang bansa ay dapat na mag-check muna sa mga job offers sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) o kaya sa Department of Labor and Employment (DOLE).