-- Advertisements --

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang ‘shabu’ ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) matapos isilbi ang search warrant sa mag- live-in partner sa Barangay Suba lungsod ng Cebu kaninang umaga.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jaime Gastador, 43 anyos at Jocelyn Premacio, 47 anyos.

Kinokonsidera ang dalawa na high value target matapos napag-alamang makadispose ang mga ito ng hindi bababa sa isang kilo ng shabu bawat linggo.

Inihayag pa ng mga otoridad na pangatlong beses na nila itong i-test buy at kanina lang umaga’y isinagawa ang operasyon dala ang search warrant.

Modus din umano ng dalawa na gumamit ng menor de edad upang mag dispose ng droga.

Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.