CAUAYAN CITY – Inaresto sa isinagawang drug buybust operation ang mag live-in partner na kinabibilangan ng isang inter-agency drug information data base (IDID) listed at regional high value individual (HVI) priority target listed sa barangay Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa impormasyong nakuha ng BOmbo Radyo Cauayan sa Bayombong Police Station, ang mga pinaghihinalaan ay sina Chito Beltejar, 39 anyos, walang trabaho, residente ng Mangandingay, Cabarroguis, Quirino na kabilang sa street level individual list at ang kinakasama na itinago sa pangalang Apple, 31 anyos, residente ng Centro West, Santiago City na kabilang sa inter-agency drug information database list at high value individual priority 10 target list sa region 2.
Inihayag ni Police Master Sgt. Elmer Labasa, investigator ng Bayombong Police Station na nadakip sa pagbebenta ng hinihinalang Shabu sa isang Provincial Drug Enforcement Unit Officer ang mag live-in partner lulan ng isang puting SUV.
Isinagawa ang Buybust Operation ng magkakasanib na puwersa ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, Municipal Drug Enforcement Unit, Provincial Drug Enforcement Unit sa tulong ng Quirino Police Provincial Office , Santiago City Police Office at PDEA region 2 sanhi para maaresto ang mga suspek.
Nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya agad nilang pinaharurot ang kanilang sasakyan papalayo sa lugar.
Agad hinabol ng mga otoridad ang tumatakas na mga suspek.
Sinubukan ni Beltejar na mag-overtake sa sinusundan nitong sasakyan ngunit nasalpok nito ang sasakyan sa kanyang harapan.
Dahil dito nawalan pa kontrol sa manibela ng sasakyan ang pinaghihinalaan na naging dahilan para salpukin nito ang sementadong poste ng linya ng telekomonikasyon sa Busilac, Bayombong.
Nakuha sa mga suspek ang buybust money kapalit ng isang pirasong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang granada, cellphone, dalawang bag, isang unit ng Caliber 45, pitung piraso ng bala, apat na piraso ng sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at puting Mitsubishi Lancer sedan na may plakang FJG 48 na ginamit ng mga suspek.
Kasong paglabag sa Republict Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. ang kakaharapin ng mga pinaghihinalaan na kasalukuyan nang nakakulong sa Bayombong Police Station .