-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang mag-lola, matapos makuryente sa Sito Bahay, Barangay Agtatacay Sur, Sapian Capiz.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo sa lugar, kinilala ang mga biktima na sina alyas “John” 21 anyos residente ng Barangay Bilao, Sapian Capiz at Lola Selda 71-anyos na residente naman ng Barangay Agtatacay Sur, Sapian Capiz.

Napag-alaman na habang naglalakad si alyas “John”, aksidente itong nadulas at nakuryente dahilan ng kanyang pagkatumba at pagkakuryente.

Sinasabi ring ng makita ito ng kanyang kaibigan, mabilis nitong ipinagbigay alam sa lola ng biktima sa balon na naglalaba.

Dahil sa pagkabahala, pagkakita ni Lola Selda sa kanyang apo, nilapitan niya ito upang iligtas sana subalit aksidente rin itong nakuryente dahilan ng kanilang pagkamatay na dalawa.

Sa ngayon nasa punerarya na ang bangkay ng mga biktima at patuloy parin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.