-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng sunog sa Purok 3, Brgy. Poblacion, Davao de Oro kung saan patay ang isang lola at dalawang mga apo nito.

Una nang nakilala ang mga biktima na sina Mariarita Mag-aso, 73; Mark Prince Ladroma, 9; at ang Grade 8 student na si Willy Boy Mag-aso.

Sa huling imbestigasyon ng Comval PNP, tinupok ng apoy ang bahay na pagmamay-ari ni Judith Retamas kabilang na ang tatlong mga commercial buildings kung saan isa nito ay nagtitinda ng pintura na pagmamay-ari ni Adelo Gallego, lumber na pagmamay-ari ni Herbert Asenio ug ang tailoring na pagmamay-ari ni Rodel Ladroma, ama ng namatay ng siyam na taong gulang.

Ayon pa kay Ladroma, kasama umano ng isa sa kanyang mga sastre na si alyas Dodong ang mga biktima na natutulog sa tailoring ngunit nakaligtas lamang ito at naiwan ang mga biktima sa loob.

Sinasabing nakauwi na sila sa kanilang bahay kasama ang kanyang asawa ngunit nagpaiwan sa kanyang lola ang kanilang anak na si Mark Prince at natulog sa kanilang tailoring bago pa man nangyari ang sunog.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahilan na hindi na nakaligtas ang lola at dalawang mga apo nito.

Agad naman na rumesponde ang mga miyembro ng bombero sa lugar ngunit hindi na nailigtas ang mga biktima.