-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Maglalaban ang magtiyuhin na Dy sa pagka-city mayor ng Cauayan City.

Ito ay matapos maghain ng kanyang pagkandidato si Bill Dy, isang negosyantye at residente ng Woodside Subdivision Minante II, Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dy na 18 taon siyang palaging pinagbibigyan ang mga kumakandidatong mayor sa Cauayan City kaya’t panahon na umano para kumandidato para pagsilbihan ang mga Cauayenio.

Magiging running mate niya si Danilo Visaya at ang mga naghain ng COC sa pagka-konsehal na sina Pilar Garcia, Zalcedo Forronda, Orly Lelina at Felix Ancheta.

Marami anya siyang plano para sa Cauayan pangunahin na ang paglaban sa pandemya.

Nauna nang naghain ng kanyang COC sa posisyong mayor ang pamangkin ni Bill Dy na si Sangguniang Panglunsod Member Jaycee Dy at kanyang kaline-up ang mga incumbent vice mayor at mga vity councilors bilang mga re-electionist.

Si Bill Dy ay kapatid ni dating Governor Benjamin Dy, ang kasalukuyang Vice Governor Bogie Dy at si Dating City Mayor Ceasar Dy na tatay naman ng tumatakbong mayor na si Jaycee Dy.

“No Comment” naman si Jaycee Dy kaugnay sa paghahain ng COC ng kanyang makakatunggaling tiyuhin.

Maging si City Mayor Bernard Dy ay “no comment” sa pagkandidato ng kanyang tiyuhin.