-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang mag-tiyuhin matapos mabangga ang kanilang sinakyang motorsiklo sa nakaparadang heavy equipment sa bahagi ng Brgy. Marcos bayan ng Banna.

Ayon kay PMaj. Chris Anthony Sorsano, hepe ng PNP-Banna, patungong silangang direksyon ang mga biktima na mga miembro ng rider’s group sa Ilocos Norte sakay ng kanilang motorsiklo na MIO i125.

Samantala, inilahad nito na dahil sa bilis ng takbo ng motorsiko ay dumiretsong bumangga sa nakaparadang equipment.

Aniya dahil sa lakas ng impact ay pumailalim ang motorsiklo sa heavy equipment at nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang mga biktima lalo na sa ulo.

Ipinaalam ng hepe na agad na nadala sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima ngunit parehong naideklara na dead on arrival.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Sorsano na nasa impluwensya ng alak ang mga biktima ng mangyari ang insidente.

Samantala, inamin ni hepe Sorsano na hindi maayos ang pagkakalagay ng reflectorize signals ang nakaparadang heavy equipment ngunit nakikipag-unayan na ang mga ito sa contractor.

Dagdag niya na posibleng may pananagutan rin ang contractor dahil sa kulang na paglagay ng paalala sa ginagawang kalsada kung saan nangyari ang aksidente.