-- Advertisements --

Tiniyak ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-uukulan niya ng panahon ang pagtatalaga ng magagaling na economic team sa bago niyang administrasyon.
Ayon kay Marcos, alam daw niya kung gaano kahalaga ang economic team lalo na at ito ang mag-aasikaso sa pagbangon ng ekonomiya hanggang sa mga susunod na taon.
una nang inihayag ng ilang grupo ng mga investors at negosyante na “wait and see” sila kung ano magiging economic policies ng Marcos administrasyon lalo na at hindi raw masyadong nailatag ang kanyang plataporma de gobyerno noong kasagsagan ng halalan.
Nilinaw naman ng president-elect na si Bongbong Marcos Jr. na masusi ang gagawing pagpili ng kanyang magiging miyembro ng gabinete na magmumula sa kanyang mga core group o close advisers na mga eksperto sa iba’t ibang larangan.

AV……presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantala, sinabi na rin ng tagapagsalita ni Marcos, na nakatakdang makipagpulong ang kanilang transition team sa counterpart naman nila sa Duterte administration para sa maayos na turnover sa pamamahala ng gobyerno.