-- Advertisements --

Agad na nagsagawa ng contact tracing si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para matunton ang ibang mga nakasalamuh ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nagpositibo sa coronavirus.

Ayon kay Magalong na siyang contact tracing czar, na kanila ng inalerto ang mga nilapitan nakasalamuha ni Tagle.

Tiwala ito rin na nagsagawa na rin ng hakbang ang simbahan at umaasa sila na makikipag-ugnayan ang mga ito sa kanila.

Madali aniyang matunton ang mga nakasalamuha nito dahil sa kilala sa buong bansa si Tagle na ngayon ay nakatalaga sa Vatican.

Magugunitang nakumpirmang nagpositibo sa coronavirus si Tagle ng dumating ito sa Manila kahit na nagnegatibo na ito sa COVID-19 testing sa Rome noong Setyembre 7.

Wala namang pangamba ang Vatican dahil huling nakaharap ni Tagle si Pope Francis ay noong Agosto 29.

Bumuhos naman ang mga dasal sa agarang paggaling mula sa mananampalataya para kay Tagle kung saan nag-alay pa ang iba ng misa para sa kaniya.