Handa umano si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na makulong sakaling kasuhan ito ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde.
Tugon ito ni Magalong makaraang kunin ni Albayalde ang beteranong abogado na si Estelito Mendoza para sa balak nitong pagsasampa ng kaso sa mga nang-aakusa sa kanya hinggil sa isyu ng “ninja cops,” at sa kontrobersyal na raind sa Pampanga noong 2013.
Ayon kay Magalong, wala umanong problema sa kanya kung sampahan ito ng kaso ni Albayalde dahil nalaman naman daw ng mga tao na nilabanan niya ang kasinungalingan.
Kumpiyansa naman si Magalong sa hawak nilang mga ebidenysa laban kay Albayalde, sa kabila ng banta ng kontra-kaso.
Sinabi ni Magalong, malalaman ng korte kung sino sa kanila ni Albayalde ang nagsasabi ng totoo.
Maaalalang paulit-ulit nang itinanggi ni Albayalde ang mga paratang laban sa kanya at iginiit nitong pinagkakaisahan lamang siya ng mga nag-aakusa sa kanya.