-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Hindi natitinag si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga bantang natatangap nito kasabay ng kanyang mga pagharap kamakailan sa Senate hearing kaugnay ng mga “ninja cops.”
Ayon kay Magalong, handa pa rin siyang magpakita at dumalo ng mga pagdinig sa mataas na kapulungan dahil naniniwala raw itong dapat ng matuldukan ang issue.
Aminado ang opisyal, na dating hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, na hindi nito tatalikuran ang serbisyo bilang alkalde sa gitna ng pinag-uusapang kontrobersya.
Nagpasalamat naman ang Baguio City mayor sa mga nagpapaabot ng suporta sa kanya.
Isang ecumenical prayer rally ang inihanda ng iba’t-ibang grupo sa Malcom Square para ipanalangin ang kaligtasan ni Magalong at pamilya nito.