Hinimok ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong Jr. ang mga local government units na palakasin pa ang kanilang mga tracing efforts matapos maitala ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong kaso ng mas nakahahawang variant ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Magalong, hindi dapat sumandal ang mga LGUs sa national gobernment sa pagsasagawa ng mga contact tracing efforts.
“Kailangan talagang gumalaw nang husto ang local government. They should not simply rely on the Department of Health (DOH), the PNP,” wika ni Magalong.
“Dapat local governments should take the lead talaga sa contact tracing. Dapat talagang directly i-involve nila ang ating mga mayors sa contact tracing para talagang ma-maintain nila ‘yung contact tracing efficiency ratio,” dagdag nito.
Dapat din aniyang “i-motivate” ng mga alkalde ang kanilang contact tracers upang maabot ang third generation close contacts.
Una nang iniulat ng Department of Health na ang isang 29-anyos na lalaking residente ng Barangay Kamuning, Quezon City na umuwi sa bansa galing Dubai ang kauna-unahang kaso ng Pilipinas ng UK variant ng coronavirus.
Asymptomatic na ang pasyente at tinatapos na lamang ang treatement.