-- Advertisements --
mayor magalong senate

Nilinaw ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na wala siyang ideya sa dismissal order ng 13 pulis Pampanga na sangkot sa kwestyunableng drug operations noong 2013 kung saan nakatakas ang isang high profile Chinese drug suspect.

Sa pagpapatuloy ng Senate hearing, nasabon ng mga senador si Aquino na dating acting director ng Police Regional Office (PRO-3).

Sinabi kasi nito na ni-reassign niya sa Mindanao ang mga inaakusahang pulis.

Nabatid na ang kanyang predecessor na si dating acting regional director Gen. Raul Petrsanta ang lumagda ng dismissal order kaya inutos daw nito ang pagpapa-review sa kaso.

Hindi rin kasi ipinatupad ng pinalitan ni Aquino na si dating PNP Region-3 director Gen. Amador Corpus ang dismissal order at sa halip ay dinemote lamang ang mga pulis.

Nilinaw naman ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na March 14, 2016 inihain ng mga akusado ang kanilang motion for reconsideration.

Ilang buwan bago na-appoint bilang regional director si Aquino ng Hunyo ng parehong taon.

Pero iginiit ni dating CIDG director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na pinressure ni Albayalde si Aquino para hindi ipatupad ang dismissal order.

Note: Pls click above portion of testimony of Baguio City Mayor Benjamin Magalong
Magalong
Ex-PNP general and now Baguio City Mayor Benjamin Magalong