-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagpatawag ng isang pagpupulong kasama ang Chiefs of Hospital na pinamumunuan ng Head of Integrated Provincial Health Office (IPHO) na si Dr. Joel Sungcad si Governor Nancy Alaan Catamco

Inulit ng gobernadora ang kanyang pahayag sa panahon ng kanyang panunumpa sa pagtaas o i-angat ang kalidad ng serbisyo sa kalusugan sa lalawigan sa pamamagitan ng una, pagpapalakas ng mga ospital ng gobyerno.

Ang one-stop-shop MALASAKIT CENTER ay itatatag sa Cotabato Provincial Hospital.

Binanggit din ni Catamco ang pagtatayo ng Provincial Blood Bank Center at lingguhang aktibidad ng bloodletting para sa mga pangangailangan lalo na sa mga mahihirap na mamamayan sa Probinsya ng Cotabato.

Bilang bagong punong tagapagpaganap, ang gobernadora ay umaasa na ang Lupon ng Lalawigan ng Kalusugan ay hindi lamang gagana bilang isang advisory committee sa mga usapin sa kalusugan kundi tumutulong din sa pagpapalakas ng moral ng mga empleyado at kawani ng ospital.

Matapos pakinggan ang mga isyu at alalahanin na iniharap ng Chiefs of Hospital, binabalaan sila ng gobernadora na “huwag mag-isip-isip, sa halip makipag-usap sa isa’t isa dahil ang tagumpay ng pangangasiwa na ito ay hindi lamang umaasa sa mga pinuno kundi sa pamamagitan ng pagsisikap ng lahat .

Ang Miyembro ng Lupon ng Ikalawang Distrito sa probinsya ng Cotabato na si Dr. Philbert Malaluan, Chairman, Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan ay naroon din sa pagpupulong.