-- Advertisements --
May magandang asahan ang mga Filipino na magandang holiday season ngayon taon.
Sinabi ni presidential spokesman Harry Roque, na magiging maganda ang kapaskuhan ng mga Filipino basta tuloy-tuloy na bumaba ang daily attack rate (ADAR) ng COVID-19.
Tatatalakayin din ng Inter-Agency Taskf Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang polisiya ng pagkakaroon ng mga parties at pagtitipon.
Mahigpit pa rin ang paalala din nito na kahit na bumaba na ang alert level ng National Capital Region (NCR) ay dapat huwag pa ring kalimutan na sundin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at paghuhugas palagi ng mga kamay.