Sa paggunita ng ika-10 anibersayo ng pananalasa ng Bagyong Yolanda ngayong araw, inalala ni Tingog Partylist Rep. Yedda Romualdez ang ipinamalas na magagandang katangian ng mga Pilipino gaya ng pagmamalasakit sa kapwa.
Itoy kahit marami ang nasawi at nahirapan sa pananalasa ng super typhoon Yolanda.
Sinabi ni Rep. Romualdez na ginugunita ng Tingog Partylist hindi lamang ang pagkawala ng buhay dulot ng bagyo kundi ang pagiging matatag, ang bayanihan at pagiging matibay ng mga Pilipino.
Naipakita umano ng mga Pilipino ang pagkakaisa upang malagpasan ang hamon na dala ng bagyo at muling makabangon muli.
“Today, Tingog Partylist, along with the Province of Leyte and City of Tacloban, welcomes President Ferdinand Marcos Jr. as he joins us in commemorating the 10th anniversary of Typhoon Yolanda, as he did 10 years ago after the storm,” ani Rep. Yedda, chairperson ng House Committee on Accounts.
“We are honored to have the President stand with us on this solemn occasion as we pay tribute to those we lost, celebrate the strength and solidarity displayed in the aftermath, and reaffirm our commitment to building a more disaster-resilient nation,” dagdag pa nito.
Inihayag pa ng mambabatas, “The road to recovery was long and challenging, but the Filipino spirit remained stronger than the storm. Together, we continue to rebuild, stronger than ever.”
Ang Tingog Partylist ay nabuo matapos ang pananalasa ng Yolanda sa ilalim ng liderato ni Rep. Martin Romualdez, Rep. Yedda Romualdez, at Rep. Jude Acidre upang tulungang makabangon ang mga biktima ng bagyo at isulong ang mga programa upang maging handa sa mga sakuna.
Nanawagan ang Tingog Partylist sa publiko na ipagdiwang din ang mga nagsilbing bayani ng mga biktima upang sila ay muling makabangon.