Maging maganda raw at positibo ang resulta ng isinagawang bilateral talks ng Pilipinas at China kasabay state visit doon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang naging pananaw ng embahada ng Pilipinas sa China.
Sinabi ni Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz, umabot sa 14 na bilateral agreements ang naiuwi ng Pilipinas sa naturang state visit.
Kasama na rito ang agrikultura, infrastructure development, renewable energy, turismo, cooperation at people-to-people investment.
Sinabi ni Ambassador Florcruz, ang kinakailangan daw nating palakasin ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at surveillance units ng ating bansa upang hindi na maulit ang mga pambu-bully ng China.
Dumulog na ang ating bansa sa Chinese government upang magkaroon na ng settlement sa pagitan ng Pilipinas at China para sa free access nito sa fishing rites ng bansa sa West Philippine Sea.
Kaugnay nito, nananatili namang normal ang sitwasyon ng ating mga kababayang OFWs sa China at wala pang napapaulat na tinamaan ng bagong COVID-19 variant na kumakalat ngayon sa China.