-- Advertisements --

Iginiit ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr. na ang magandang ugnayan sa pagitan ng Philippine National Police at Indonesian National Police ang pangunahing dahilan kung bakit mabilis ang pagkakahuli at tuluyang pagpapabalik sa Pilipinas sa grupo nina Alice Guo.

Ayon kay Abalos Jr, nagtutulungan ang dalawang police sa iba’t-ibang aspeto kayat mabilis ang nagiging aksyon ng mga ito.

Maliban kay Alice, naging mabilis din aniya ang pagkakadakip noon kina Shiela Guo at Cassandra Li Ong hanggang sa tuluyan ding naibalik dito sa Pilipinas.

Personal na nagtungo si Abalos Jr. sa Indonesia kasama si Philippine National Police(PNP) Chief Francisco Marbil upang pangunahan ang pagpapabalik kay Alice dito sa Pilipinas.

Ang PNP ang naatasang magsilbi mismo sa arrest order na inisyu laban kay Alice.