Kinansela na ni dating US President Barack Obama ang kaniyang ika-60th birthday party sa Martha’s Vineyard ngayong weekend.
Ito ay dahil sa epekto ng pananalasa ng Delta variant ng COVID-19.
Base sa orihinal na plano ay gaganapin sana ang outdoor party kung saan mahigpit nila ipapatupad ang protocols mula sa US Centers for Disease Control and Prevention gaya ng COVID-19 testing sa mga bisita.
Mahigit sana 400 na bisita ang inimbitahan kabilang ang mga celebrities at mga dating government officials ni Obama.
Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Hannah Hankin na gagawing pribado na lamang ang nasabing birthday party kung saan imbitado lamang ang mga malapit na kaibigan at pamilya ng dating pangulo.
Isinilang ang dating pangulo noong Agosto 4, 1961.