Nagpakawala ng tubig ang Magat at Binga dam nitong umaga ng Miyerkules sa gitna ng mga pag-ulan dala ng bagyong krisitine.
Sa Magat dam na nasa pagitan ng Ifugao at Isabela, binuksan ang isang gate sa 1.0 meter at nagpakawala ng tubig na nasa 132 cubic meters per second.
Ang reservoir water level (RWL) sa dam ay nasa 182.28 meters, bahagyang mas mababa sa lebel nito kahapon na nasa 182.99 meters.
Habang sa Binga dam naman sa Benguet, binuksan ang isang fate sa 0.5 meters, at nagpalabas ng tubig na 11.99 cubic meters per second. Bumaba din ang reservoir water level nito mula sa 574.20 meters nitong Martes sa 573 meters ngayong Miyerkules.
Samantala, ipinag-utos na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa concerned agencies para maigting na imonitor ang water dams sa bansa bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyo.