-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Magpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa bukas, (April 20, 2021) bilang paghahanda sa ulan na dala ni bagyong Bising.

Sa inilabas na abiso ng Magat River Integrated Irrigation System Dam and Reservoir Division, isang gate ang bubuksan sa taas na 1 meter daking 6:00 am

Aabot sa 200 cubic meters per second ng tubig ang pakakawalan para mabawasan ang tubig sa Magat dam reservoir sakaling malakas ang ulan na dala ng bagyo.

Nasa 190.42 meters ang water elevation ngayon ng Magat dam.

Mas mababa ito ng 2.58 meters sa 193 meters na spilling level.

Inalerto ng NIA MARIIS ang mga bayan na nakakasakop sa Magat River tulad ng Ramon, San Mateo, Luna, Aurora, Burgos, Gamu, at Naguilian, Isabela kaugnay ng pagpapakawala ng tubig bukas.

Pinag-iingat ang mga residente sa pagtawid sa Magat River.