-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nakatakdang magpakawala ng tubig ang Magat dam sa Isabela ngayong Huwebes bilang paghahanda sa inaasahang buhos na ulan ng bagyong Ramon.

Sinabi ni Engr. Eduardo Ramos, division manager ng Magat Dam reservoir na isang spillway gate ang bubuksan bukas ng alas-10:00 ng umaga na may 200-cubic meter per second na dami ng tubig na pakakawalan.

Ayon kay Ramos, ito ay upang mabawasan ang tubig sa Magat Dam na ngayon ay mahigit isang metro na lamang ang lebel sa spilling level na 193 meters bago pumasok ang ang bagyo.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi ito mararamdaman sa Tuguegarao City ang pakakawalang tubig.

Ang ilog sa Tuguegarao kasi ang catch basin ng tubig mula sa Magat Dam.

Gayonman, sinabi ni Ramos na kung magdadala ng malalakas na ulan ang bagyo sa Isabela ay posibleng madadagdagan ang pakakawalan na tubig sa dam.