-- Advertisements --

Inihayag ng pamunuan ng Magat Dam sa probinsiya ng Isabela na magpapakawala ito ng tubig matapos ang pagtaas ng tubig sa water reservior bunsod ng bagyong Nimfa.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 191.14 metrs ang lebel ng tubig sa Magat Dam, lagpas sa spilling level na 190.0 meters.

Nasa 200 cubic meter per second (cms) ang pakakawalang tubig sa isang spillway gate simula alas 7:00 ng umaga, bukas.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente na malapit sa Magat River na iwasan munang lumapit sa baybayin ng ilog dahil sa posibleng pag-angat ng tubig at paglakas ng agos.

Tiniyak naman ni ret.col Anatacio Macalan, head ng PDRRMO na naka alerto na ang quick responce team at Task Force Lingkod Cagayan na tutugon sa mga posiblenag pagbaha sa lalawigan.

Una na ring kinansela ngayong hapon ni Mayor Joan Dunuan ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Baggao dahil sa malakas na buhos ng ulan.