-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Inihayag ni Engr. Eduardo Ramos, manager ng Magat dam sa Isabela na kailangan nilang mag-cut off sa suplay ng tubig kung magtutuloy-tuloy ang epekto ng El Niño.
Ayon sa kanya, kailangan na gawin ito upang makaipon ng tubig ang dam para sa susunod na cropping season ng mga magsasaka.
Gayunman, sinabi ni Ramos na bagamat bumaba ang level ng dam na nasa 171.22 meters mula sa 182 meters na normal elevation level ay wala pa naman ito sa 160 critical elevation level.
Dagdag pa niya na nasa mahigit 700 hectares na sakahan lang ang maaapektuhan ng walang tubig sa mga irigasyon dahil una na silang nagpalabas ng tubig sa mahigit 64,000 hectares na palayan sa kanilang nasasakupan.