-- Advertisements --
MAGAT DAM

Naglabas ng 200 cubic meters per second ng tubig ang Magat Dam sa Ramon, Isabela kaninang alas-4 ng hapon.

Ito ay bilang pag-iingat dahil sa malakas na pag-ulan bunsod ng northeast monsoon o “amihan” at shear line nitong mga nakaraang araw.

Sa isang advisory, sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na ang pagpapalabas ng tubig ay maaaring tumaas depende sa dami ng tubig mula sa mga watershed ng dam.

Binalaan ni Engineer Carlo Ablan, National Irrigation Administration (NIA)-Magat River Integrated Irrigation System Division Manager, ang mga taganayon malapit sa Magat River at iba pang mga tributaries na maging alerto.

Pinayuhan ni Ablan ang mga taga barangay na lumikas kung kinakailangan at dalhin/i-secure ang kanilang mahahalagang gamit sa mas mataas na lugar.

Hinikayat niya ang mga residente at o malapit sa mga apektadong lugar na subaybayan ang mga update sa social at iba pang anyo ng media dahil ang pagpapakawala ng tubig ay maaari ring magdulot ng flash flood.