-- Advertisements --
Binuksan ang 2 gates ng Magat dam nitong umaga ng Sabado para magpakawala ng tubig na aabot ng hanggang 3 metro.
Ito ay matapos na umabot sa 187.81 meters ang antas ng tubig sa dam, halos malapit na sa 190 meter normal high water level nito.
Nitong Biyernes, tanging isang gate lamang ang binuksan sa naturang dam na nasa 1.0 meter.
Ang pagpapakawala ng tubig sa nasabing dam ay kasunod na rin ng naunang ulat mula sa state weather bureau kung saan ilang parte ng Luzon ngayong Sabado ang inaasahang maapektuhan ng trough o extension ng Tropical Storm Bebinca o may local name na bagyong Ferdie nang pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility.