CAUAYAN CITY – Patuloy na nagpapalabas ng tubig ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa Magat Dam sa Ramon, Isabela upang maiwasang marating ang critical o spilling level na 193 meters dahil sa patuloy na pag-ulan sa Isabela.
Hanggang kaninang alas diyes umaga, ang water elevation ng Magat Dam ay 189.77 meters.
Ang inflow ay 836 cubic meters per second (cms) habang ang outflow ay 749 cms at isa ang nakabukas na spillway gate na may taas na dalawang metro.
Patuloy na pinag-iingat ang mga mamamayan na iwasang mamalagi sa tabi ng mga ilog o kaya ay tumawid dahil sa mataas na antas ng tubig.
Samantala, hindi madaananan ang anim na overflow bridges sa isabela dahil sa pagtaas ng water level sa mga ilog dulot ng patuloy na pag-ulan.
Ito ay kinabibilangan ng Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City, ang Turod Banquero bridge sa Reina Mercedes, Isabela, Cabagan-Sta. Maria overflow bridge, Cansan, Cabagan-Bagutari, Sto Tomas overflow bridge, Baculud overflow bridge sa Lunsod ng Ilagan at Gucab overflow bridge sa Echague, Isabela.