TUGUEGARAO CITY-Nakabukas pa ang isang spillway gate ng Magat dam na may taas na one meter.
Sinabi ni Engr, Michael Quiboloy, manager ng NIA-MARIIS na 2:00 pm kahapon binuksan ang nasabing spillgate upang maibalik sa safe level elevation ang dam.
Ayon kay Quiboloy, 176 cubic centimeter per second ang pinapakawalan na tubig ngayon sa dam.
Sinabi niya na bahagyang bumaba naman ang lebel ng tubig sa dam na ngayon ay nasa 188.2 meters mula sa 188.75 meters kahapon.
Subalit, sinabi na mananatiling bukas ang isang spillway gate hanggang sa malakas pa rin ang inflow upang matiyak na hindi ito mapupuno o marating ang spilling level na 190 meters.
Bukod dito, sinabi niya na ito ay bilang paghahanda na rin sa posibleng pang pagpasok sa dam ng mga tubig dahil sa patuloy na pag-ulan sa watershed area dahil sa epekto ng habagat.
Gayonman, sinabi ni Quiboloy na wala naman itong malaking epekto sa ilog sa dam at maging Cagayan river.
Sa kabila, nito, pinapayuhan ni Quiboloy ang mga residente lalo na ang mga malapit sa ilog na iwasan muna ang pagpunta sa mga pampang upang makaiwas sa anomang disgrasya.