-- Advertisements --

Tiyak umanong magbabago nang tuluyan ang pagtingin ng lahat sa national basketball team ng Australia sa paparating na 2019 FIBA World Cup.

Kasunod ito ng pagsilat ng Boomers sa Team USA, 98-94, sa isang exhibition game, dahilan para kanilang matuldukan ang 78 straight wins ng American squad.

“If anyone was sleeping on us they’d be awake now,” wika ni Australia assistant coach Luc Longley.

Ayon pa kay Longley, ang kanilang tagumpay kontra sa world No. 1 ay maituturing na “bit of an Everest of basketball.”

“We recognize it was a friendly but I don’t think you can convince the players it was a friendly,” ani Longley. “They were out there playing as hard as I’ve seen them play and that was fantastic to see pre-World Cup.”

Lumipad na ang Australia pa-China para sa kanilang World Cup campaign na magsisimula sa Linggo sa pagharap nila sa Canada.

Matapos ang Canadian team, sunod na makikipagtuos ang Boomers sa Senegal at Lithuania.

Target ngayon ng Australian team na makasungkit ng medalya sa unang pagkakataon sa alinmang major international tournament.

Noong 2016 sa Rio Olympics nang mabigo ang Australia sa Spain sa bronze medal playoff game.