-- Advertisements --
Binaha ang malaking bahagi ng Luzon matapos ang magdamag na mga pag-ulang dala ng bagyong Pepito.
Partikular na dito ang Nueva Ecija, Baguio City at iba pang lugar sa Luzon.
Bukod sa malalakas na pag-ulan ay nakaranas rin ng malalakas na hangin na humambalos sa mga puno sa Bongabon, Nueva Ecija.
Nilipad rin ng malakas na hangin ang mga kable at maging mga signages.
Dahil sa bagyo, naharangan rin ang mga pangunahing kalsada sa mga lugar sa Luzon.
Mabigat rin na mga pag-ulan at malakas na hangin rin ang naramdaman sa Palayan City at Cabanatuan City habang apektado rin ang mga itinalagang evacuation centers.