-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Naglabas ng P200,000 na gantimpala ang tanggapan ng Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO) sa dalawang opisyal na pinagbabaril sa Purok Ummah, Brgy Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Elcialyn Paguital, 34, auditor ng Magelco at Eduardo Longakit, 45, may asawa, at district manager ng MAGELCO.
Una rito, habang nag-uusap lamang ang mga biktima sa harap ng tahanan ni Paquital ng ito ay pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek.
Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang mga biktima sa isang pagamutan sa Cotabato City.
May mga person of interest na rin daw na iniimbestigahan ang pulisya sa Datu Odin Sinsuat na posibleng may kinalaman sa pamamaril sa mga biktima.