-- Advertisements --

Pinayuhan ng Pagasa ang publiko na manatiling alerto sa masamang lagay ng panahon kahit papalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Dodong.

May dalawa pa kasing sama ng panahon na binabantayan ang weather bureau, na maaaring makaapekto sa ating bansa.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyong Dodong sa layong 750 km silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Samantala, isang low pressure area (LPA) ang nasa 435 km kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Habang ang pangalawang LPA ay nananatili pa sa labas ng PAR o sa silangan ng Mindanao.