-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si Sen. Imee Marcos sa pagdedeklarang persona non grata sa may-ari ng Angkas na si Angeline Ximen Tham na isang Singaporean investor.

Pahayag ito ni Marcos makaraang maghain si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ng Senate Resolution 287 na kumukondena sa umano’y pagiging arogante at iresponsable ni Tham.

Para kay Marcos, may ibang paraan naman para ipaunawa sa mga banyaga ang kanilang pagkakamali.

“Nagulat ako nang konti, syempre ayaw natin nang ganun. Kung yung mga foreign investors binablacklist natin o pinepersona non grata baka wala nang pumasok dito sa Pilipinas, ‘wag naman ganun,” wika ni Marcos sa Kapihan sa Senado nitong Huwebes.

Hindi rin daw niya gugustuhing makaapekto ang usapin ng Angkas sa iba pang foreign investors.