-- Advertisements --

Nagbabala ang ilang opisyal ng Senado sa mga otoridad kaugnay ng mga panibagong statement ni Joemel Peter Advincula alays Bikoy.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, minsan nang humarap si Advincula sa kanila, pero kalaunan ay nagbago ng statement at nitong huli ay bumaliktad pa sa mga lumang pahayag.

Para kay Sotto, kung walang maipapakitang matibay na ebidensya, walang puwang para pakinggan pa ang anumang sasabihin ni Bikoy.

Sa tanong naman kung mag-iimbestiga pa sila sa mga sinasabi ni Bikoy, sinabi ni Sotto na bahala na rito ang mga pinuno ng komite sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

“I’ll leave it to the discretion of the respective chairmen of the appropriate committees,” pahayag pa ni Sotto.

Sa panig naman si Sen. Panfilo Lacson, may kakaibang talento raw si Advincula para gumawa ng kwento na magdudulot ng kalituhan at pagkakabaha-bahagi ng paniniwala ng mga tao.

“Bikoy has a unique talent. He can divide the world with the flip of his tongue. From the IBP to the PNP, he completed a successful Yellow vs DDS dry run. With his flip-flopping lies, he’s on a roll,” wika ni Lacson.