Bigo ang Orlando Magic na pabagsakin ang Houston Rockets sa kabila ng agresibong 4th quarter performance nito.
Hindi nahabol ng Magic ang Rockets sa huling quarter, matapos iposte ng huli ang 16-point deficit sa pagtatapos ng 3rd quarter, 88 – 72.
Pinilit kasi ng Magic na habulin ang 16 points na kalamangan bago matapos ang laban ngunit tanging walong puntos ang nagawa nilang burahin hanggang sa matapos ang laban sa 116 – 108, pabor sa Houston.
Hindi naging sapat ang 31 points ni Magic star Paolo Banchero, kasama ang 21 points at 8 rebounds ni Franz Wagner sa pagkatalo ng Orlando.
Muli namang gumawa ng all-around performance si Houston center Alperen Sengun at nagpasok ng 22 points at 12 rebounds. Gumawa rin ng 26 points ang guard ng koponan na si Jalen Green, kasama ang pitong rebounds.
Nananatili ngayong No. 2 sa Western Conference ang Houston at hawak ang impresibong 45 wins mula sa 70 games na nilaro nito ngayong season.
Lalo pang bumagsak sa 38 loss ang Magic matapos ang laban, habang nananatili sa 32 ang naibulsa nitong panalo sa kasalukuyang season.
Sa dalawang nabanggit na team, mayroon na lamang 12 regular season na kanilang susuungin bago tuluyang matapos ang regular season.