-- Advertisements --

Tinambakan ng Portland Trailblazer ang Orlando Magic, 101 – 79.

Dahil dito, bumagsak na sa .500 ang Magic mula sa dating .545 o mas mataas na win-loss percentage, 23 – 23.

Sa unang kwarter, lamang pa ang Magic ngunit pagpasok ng 2nd, agad itong binura ng Blazer at lumamang ng pitong puntos. Nadagdagan pa ito sa 3rd quarter at naging 15 pts.

Hindi na nakabawi pa ang Magic at lumubo sa 22 points ang kalamagan sa pagtatapos ng 4th quarter, 101 – 79.

Pinangunahan ni Anfernee Simmons ang Blazers sa kaniyang 21 pts habang binantayan naman ni Robert Williams II ang depensa ng koponan at kumamada ng 12 rebs.

Muling nalimitahan sa below-10 points si Magic star Paolo Banchero: 8pts-9rebs-6assists, habang pinangunahan naman ni Franz Wagner ang opensa sa kaniyang 20 points.

Sa kabila ng pagbabalik ni Banchero at pagiging healthy ni Wagner, mistulang hindi pa rin nakakabalik ang maayos na opensa ng Magic tulad sa unang bahagi ng season.

Hawak ng Blazer ang 48.8 overall shooting sa naging panalo g koponan habang nalimitahan lamang ang Magic sa 34.2%

Hindi rin naisalba ng 31 free throw calls ang Magic samantalang 19 lamang ang iginawad sa Portland.