Nagulantang ang buong organisasyon ng Los Angeles Lakers, maging ang NBA, sa biglaang pagbibitiw ni Magic Johnson bilang president of basketball operations ng koponan ngayong araw.
Maluha-luhang inanunsyo ni Johnson ang kanyang naging pasya bago ang regular-season finale ng Lakers kontra sa Portland.
Paliwanag pa ni Johnson, wala raw kinalaman ang naging desisyon nito sa kapalaran ni Luke Walton bilang head coach ng team.
Pero inamin naman nito na yaw daw nitong masira ang ugnayan nila ni Lakers controlling owner Jeanie Buss dahil sa trabaho ni Walton.
“We love Luke [Walton], so I got to make a decision and that’s a tough thing,” ani Johnson. “I’m good with where I am. I’m happy. I want to do the things I used to do, so I had to weigh both situations, so this is better for me.”
Hindi pa rin aniya niya sinasabi kay Buss o kay general manager Rob Pelinka ang kanyang pasya.
Samantala, nagpasalamat naman ang Lakers sa 59-year-old NBA legend sa isang pahayag.
“There is no greater Los Angeles Laker than Earvin Johnson. … He will always be not only a Lakers icon, but our family.”
Ang pagbibitiw na ito ni Johnson ay kasunod na rin ng malamyang season ngayon ng Lakers, na mayroong 37-44 kartada at 35-47 noong nakaraang season.
Maaalalang malaki ang naging ambag ng five-time NBA champion upang mapalipat si LeBron James sa Lakers noong nakalipas na taon.