Agad na nagpamalas ng galing ang nagbabalik na si Jonathan Isaac para ihatid sa Orlando Magic ang 114-110 panalo sa huli nilang exhibition game kontra Denver Nuggets.
Humakot ng 13 points at pitong rebounds para sa Magic si Isaac, na nagbalik sa team matapos ang natamo nitong injury sa tuhod noong Enero.
Wala ring mintis sa pagpapakitang-gilas ang rookie na si Bol Bol na umiskor ng 10 points at anim na boards.
Maging sina Terrence Ross ay nagpakawala ng 15 points, at si Nikola Vucevic ay kumubra ng 10 points at pitong rebounds upang ialay sa Orlando.
Sa panig naman ng Nuggets, nagsilbing top scorer ng koponan si Jamal Murray na nagrehistro ng 23, habang nagdagdag ng 13 si Paul Millsap.
Makikipagsagupa ang Magic sa Brooklyn Nets sa kanilang opener sa seeding games.
Samantalang ang Nuggets ay hahamunin ang Miami Heat sa Linggo.