Pinataub ng nangungulelat na Toronto Raptors ang No. 7 sa Eastern Conference na Orlando Magic, 109 – 93.
Hindi napigilan ng Magic ang magandang opensa ng kulelat na team, gamit ang 53.4% overall shooting. Nagawa kasi ng Raptors na magpasok ng 39 shots sa kabuuan ng laban mula sa 73 na kanilang pinakawalan. Labintatlo(13) dito ay pawang mga 3-pointers.
Ginawaran din ang Raptors ng 28 free shots sa buong laban kung saan 18 dito ang nagawa nilang maipasok.
Nasayang ang double-double performance na ginawa ni Magic star Paolo Banchero – 26 pts, 12 rebs, kasama ang ang 20 points na ipinasok ng small ginawa ng small guard na si Kentavious Caldwell-Pope.
Sa panalo ng Raptors, wala sa mga player nito ang nakagawa ng 20-point performance o higit pa. Gayonpaman, nakapag-ambag ang bawat player sa pangunguna ni RJ Barrett na nagpasok ng 19 points.
Gumawa rin ng panibagong double-double ang bagitong si Scottie Barnes – 17-11-8.
Ang panalo ng Raptors ay ang ika-11 pa lamang ngayong season habang 32 na ang nalasap nitong pagkatalo.
Hawak naman ng Magic ang 23 – 22 kartada at nananatiling No. 7 sa Eastern Conference.