-- Advertisements --

Nagbuslo si Paolo Banchero ng 31 puntos at 14 na rebounds para iangat ang host Orlando Magic sa score na 121-83, kung saan sila naanalo laban sa Cleveland Cavaliers para sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference first-round series.

Si Banchero ay gumawa ng apat na 3-pointers at may pitong rebounds sa offensive glass para sa fifth-seeded Magic, na humahabol sa 2-1 sa best-of-seven series.

Umiskor si Jalen Suggs ng 24 puntos matapos gumawa ng 9 sa 11 shot at 3 sa 5 mula sa 3-point range.

Nagdagdag si Franz Wagner ng 16 puntos, walong assist at limang rebounds.

Umiskor ang Magic ng 35 sa 51 points sa third quarter para agawin ang 96-61 lead.

Nakakuha lamang ang Orlando ng 83 at 86 na puntos, ayon sa pagkakasunod, sa unang dalawang laro ng serye.

Dito ang Magic ay nakakulekta ng matatag na 51.1 porsyento.

Ang Game 4 ay Sabado ng hapon na gaganapin sa sa Orlando, Florida.