-- Advertisements --

Nagwagi sa 2025 Slam Dunk contest ng NBA si Orlando Magic star Mac McClung.

Ito na ang tatlong taon na magkakasunod na nakuha niya ang titulo.

Ilan sa mga ikinamangha ng mga manonood ay ang pagtalon nito sa taas ng tatlong tao at sa isang sasakyan.

Nakakuha ito ng perfect 50-point sa mga judges sa una at final para maging unang dunker na magwagi ng tatlong magkakasunod na taon.

Kapantay na niya ngayon si Nate Robinson na tanging three-time Slam Dunk winners.

Hindi naman tiyak ng 26-anyos na Orlando Magic player kung siya ba ay sasabak muli sa susunod na taon.