-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mahigpit na oobserbahan ang pagiging “non partisan” sa Barangay at Sangguniang Kabataang (SK) elections sa susunod na buwan.

Ayon kay PNP chief police Director Gen. Ronald Dela Rosa, bukod sa walang tigil ang kanilang anti-drug operations ay ongoing ang paglalatag nila ng seguridad para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang nalalapit na halalan.

Sinabi ni Dela Rosa na magiging abala ang Directorate for Operations ng PNP na siyang nakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Commission on Elections o Comelec.

Wala naman aniya siyang nakikitang problema sa kanilang paghahanda dahil wala namang nagbago sa security template.

Ngayong linggo itinakda ang coordinating meeting ng PNP at Comelec.

“Ongoing ang preparations with the upcoming barangay elections sa comelec.. wala tayong problema dyan cos almost everything is dekahon… all systems go na,” pahayag pa ni Dela Rosa.