-- Advertisements --

Hinimok ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang publiko na maging responsable sa pagsasaya ngayong holiday season, upang hindi maging sanhi ng problema sa ibang tao, lalo na kung bumabyahe.

Ito ay para umano sa kaayusan at kaligtasan ng lahat ngayong Yuletide season.

Ayon kay Bautista, mahalaga ring ikonsidera sa pagbyahe ang kaligtasan ng ating sarili at maging ang sasakyan, mainam ding magtipid at ganun din ang pagiging komportable.

Hinimok pa nito ang mga magbabakasyon na huwag kalimutan ang pagbabahagi ng pagmamahal at biyaya, lalo na sa mga kapos-palad.